Natukoy na ng mga otoridad ang nagpakalat ng fake news sa Cavite City

ITO ayon sa Philippine National Police (PNP) ay si Noveleta, Cavite Mayor Dino Chua.

Kahapon ay sinampahan na ng kaso si Chua ng PNP Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) in Region IV-A (CALABARZON) kasama ang iba pang personalidqd na nasa likod ng pagpapakalat ng fake news sa social media hinggil sa COVID-19 case sa Cavite City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nitong unang bahagi ngayong buwan, nang mag-post ang isang Maggie Bernal sa kanyang Facebook account ng 10 larawan ng mga suspected persons under investigation sa Cavite City at nag lahad pa ng hindi beripikadong impormasyon na nagsasabi na isang COVID-19 patient ang namatay sa Cavite Medical Center.

Inakusahan din ng naturang account ang Cavite City LGU na hindi nagsasabi ng katotohanan ng pangyayari sa publiko.

Pero mariing pinasinungalingan ng Cavity City LGU ang naturang akusasyon batay na rin sa beripika ng Rural Health Unit ng lungsod.

Ang naturang larawan ng COVID-19 patient ay na-post pa sa isang news website pero nilininaw ng kanilang health deparment na mula sa Makati ang naturang pasyente.

Ayon sa PNP-ACG, nagdulot ng paniv ang naturang unverified post.

Sa pagsisiyasat pa ng otoridad, nabatid na ang troll account na may pangalang Maggie Bernal, ay orihinal na Angela Mae de Guzman.

Ang naturang account, ayon sa mga cybercop, ay ginawawa ni Mayor Chua noong 2010 na ginagamit bilang pang-atake sa mga kalaban nito sa pulitika at gumawa ng mga intriga batay na rin sa salaysay ng isang witness, na hawak ng otoridad, na dati creator ng account at dating administrator nito.

Lumabas din ang naturang pekeng impormasyon sa online news portal na Latigo News TV pero hindi nito pinangalanan ang pasyente.

Maliban kay Mayor Cha, sinampahan din ng otoridad si Mario Batuigas, may-ari ng Latigo News TV at Amor Virata, isang Vlogger at online reporter.

Narito ang mga kasong isinampa sa mga suspek:

1. Section 6f of RA 11469/ Bayanihan to Heal As One Act considering the continuing activity of the social media account used by Mayor Chua’s alleged troll, Magie Bernal to spread False Info on Covid19 in Cavite City. The creator & former administrator of the said account has executed an affidavit as witness;

2. Art 154/Unlawful Use of Means of Publication & Unlawful Utterances;

3. Sec 4c4, RA 1075/Online Libel;

4. Sec 9b, RA. 11332 or the “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act”;

5. Art 14 (7) (Crime committed on the occasion of a conflagration, shipwreck, earthquake, epidemic or other calamity or misfortune) in relation to PRRD PP Nr 922 and 929; and

6. Sec 25b, RA 10173 (Data Privacy Act).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.