Naturalization ni Barangay Ginebra small forward/import Justin Brownlee pasado na sa komite level sa Senado

Naturalization ni Barangay Ginebra small forward/import Justin Brownlee pasado na sa komite level sa Senado

LUSOT na sa Senate Committee on Justice and Human Rights ang naturalization ni Barangay Ginebra small forward/import Justin Brownlee matapos pumasa sa pagdinig ng Committee ang panukalang pagbibigay rito ng Filipino citizenship.

Pinasalamatan ni Senador Sonny Angara, isa sa mga may-akda ng naturalization ni Justin Brownlee, ang committee chairperson na si Senador Francis Tolentino, gayundin ang iba pang awtor ng panukala tulad nina Majority Leader Joel Villanueva, Senador Bato dela Rosa at si Senador Bong Go na chairman ng Senate Committee on Sports.

Inaasahang malaking papel ang pupunan ni Brownlee bilang bagong naturalized player ng Gilas Pilipinas na sasabak sa mga koponan ng Lebanon at Jordan sa final window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero na gaganapin sa Philippine Arena.

Follow SMNI NEWS in Twitter