PARA kay Sen. Bong Go, kailangang sundin ang batas na nagpataw ng Filipino citizenship sa isang foreign athlete.
Pero dapat siguraduhin aniya ng mga sports organization tulad ng PBA na walang magiging “mismatch” sa mga koponan.
Tinalakay ngayong araw sa Senate Committee on Justice and Human Rights ang kaso ng mga naturalized player tulad ni Justin Brownlee na hanggang ngayon ay kinikilala pa ring isang “import” sa PBA kahit isa na siyang ganap na Pilipino.
Paalala pa ni Bong Go sa mga naturalized players, unahin ang Pilipinas dahil nanumpa na sila ng allegiance dito.