Naval Education, Training and Doctrine Command, may bagong pinuno

Naval Education, Training and Doctrine Command, may bagong pinuno

PORMAL nang umupo si Commodore Alfonso Torres Jr. bilang bagong commander ng Naval Education, Training and Doctrine Command (NETDC).

Pinangunahan ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Torribio Adaci Jr. ang change of command ceremony sa Naval Station Leovigildo Gantioqui sa San Antonio, Zambales.

Pinalitan ni Torres si Rear Admiral Renato David na itinalagang bagong Commander ng Philippine Fleet.

Si Torres ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sambisig” Class of 1991 at nagsilbi rin na Commander ng Naval Forces Southern Luzon sa Legazpi, Albay.

Itinuturing siya na “experienced educator” na gagampanan ang mandato na magbigay ng mataas na pamantayan ng edukasyon at pagsasanay para sa naval professionals at bumuo ng mahusay na doktrina para sa Philippine Navy units.

Follow SMNI NEWS in Twitter