Navarro ng Northport Batang Pier, hindi na makapaglalaro sa buong season ng PBA dahil sa ACL tear

Navarro ng Northport Batang Pier, hindi na makapaglalaro sa buong season ng PBA dahil sa ACL tear

HINDI na makapaglalaro sa buong season ang super rookie ng Northport na si William Navarro matapos itong magtamo ng ACL tear sa tuhod nito.

Base sa findings ng doktor ng Sic-Foot-Five Swingman, nagtamo ito ng full ACL tear.

Natamo ni Navarro ang injury sa kalagitnaan ng Game 2 ng quarterfinal showdown nito sa pagitan ng Batang Pier at ng Barangay Ginebra Kings.

Isinugod ito sa ospital at hindi na nagawang matapos ang laro kung saan natalo ang Northport sa iskor na 99-93.

Dahil sa natamong injury ay hindi na rin makakasali si Navarro sa paparating na kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup.

Follow SMNI NEWS in Twitter