Navotas City Hospital, nangangailangan ng karagdagang medical frontliners

Navotas City Hospital, nangangailangan ng karagdagang medical frontliners

 

ISANG araw bago ang 14-day city wide lockdown sa Navotas City, ay nanghihikayat ang LGU na mag-apply sa mga bakanteng posisyon sa Navotas City Hospital.

 

Sa ngayon ay nangangailangan ng medical technologies, pharmacist, staff nurse, social workers, cashier, central supply clerk at admin clerk ang Navotas City Hospital.

 

Sa kasalukuyan ay puno na ang dalawang isolation center ng Navotas at dinadala na sa mga isolation facility ng gobyerno ang mga nagpopositibo sa coronavirus disease 2019.

 

At dahil sa pagtaas ng kaso sa Navotas ay naging dahilan ito para isailalim ang buong lungsod sa 14-day citywide lockdown na magsisimula bukas ng 5:00 ng umaga hanggang July 29, ng 11:59 ng gabi.

 

Ayon sa talaan ng pamahalaan, mahigit 900 ang bilang ng positive cases at 59 naman ang death toll.

 

Inilipat naman sa July 16 mula sa July 15 ang citywide lockdown upang mas lalong mailaganap ang information dissemination ng lockdown.

 

Kagabi ay nagpakalat na ang LGU ng kapulisan para maging pamilyar na sila sa mga area na babantayan nila lalo na yaong mga augmented police.

 

 

Samantala, maglalagay rin ang NCRPO ng mga monitoring equipment tulad ng drone para i-monitor ang galaw ng buong lungsod.

 

Tinatayan nasa 250,000 na mga residente ang maapektuhan sa nakatakdang 14-day citywide lockdown.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.