Navotas City, nananatili pa ring COVID-19 free

INIHAYAG ng lokal na pamahalaan ng Navotas na nananatiling COVID-19 free ang lungsod.

Sa anunsyo ni Navotas Mayor Toby Tiangco kahapon, nananatiling zero case sa COVID-19 ang lungsod habang 73 naman ang person under monitoring o PUM.

Dalawa naman ang person under investigation o PUI matapos makitaan ng sintomas ng sakit habang tatlumpu naman ang na-clear na.

Kaugnay nito ay muling hinimok ng lokal na pamahalaan ang publiko na mag-home quarantine upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng nasabing sakit.

Samantala, tiniyak naman ng Navotas LGU na inihahanda na nila ang mga relief goods na ipamimigay sa mga residente na pinakanangangailangan.

Magiging prayoridad nito ang mga lubhang naapektuhan ng enhanced community quarantine at ang mga walang makakain dahil sa hindi nakakapagtrabaho.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.