NANANATILI pa ring bigo ang Philippine National Police (PNP) sa paghahanap sa nawawalang American national at vlogger na si Elliot Eastman sa Zamboang del Norte dalawang linggo na ang nakararaan.
Sa muling pagharap sa media ni PNP Public Information Office Chief PBGen. Jean Fajardo, inamin nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatagpuan ang dayuhang si Eastman.
Magugunitang naaresto na ng PNP ang tatlong sinasabing may direktang kinalaman sa pagkawala ng American vlogger, ngunit hindi kasama ang biktima.
Bagamat ilang linggo nang nawawala ang Amerikano, umaasa pa rin ang PNP na matatagpuan nilang buhay ito kasabay ng pakikipagtulungan sa mga residente at iba pang karatig lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Sa gitna ng imbestigasyon, isang impormasyon ang nakuha ng pulisya mula sa anak ng isa sa mga principal suspek kung saan nakita nito na dinala ang dayuhan sakay ng isang puting bangka.
Pero kailangan pa anila itong iberipika.
“Eastman, ang latest update niyan ‘yung anak ng isa sa mga principal suspects has provided information as to allegedly what transpired from the time Eastman was abducted from their house until the time he was transported using a motorized banca.”
“However, this is still subject to validation kasi lumalabas ay ikinuwento lamang sa kanya nung isa doon sa mga principal subjects,” PBGen. Jean Fajardo, PNP Public Information Office Chief.
Naniniwala ang PNP na hindi pa maituturing na opisyal ang pahayag ng anak ng principal suspect sa imbestigasyon nila matapos na napag-alamang pinalitan diumano ang kulay ng bangka na sinasabing pinagsakyan sa nawawalang Amerikano.
Ibig sabihin, wala pa ring proof of life kay Elliot.
“So ongoing ang validation to confirm the revelation made by the anak nung isa sa principal suspects including the possible na pati ‘yung banca ay pinalitan ng pintura to avoid naalala niyo white na motorized banca ‘yung ginamit so vini-verify ngayon ‘yan ng JTG ng PNP and AFP but sadly until now wala pa rin tayong nakukuhang proof of life,” dagdag ni Fajardo.
Sa isang ng gulo ng kaso, bukod sa kidnapping isa sa mga tinitingnan ng mga awtoridad ay abduction at posibleng may iba pang dahilan kung bakit naging target ng mga suspek ang biktima.
“Tinitingnan pa rin ‘yung motibo na initially ang talagang motibo dito ay kidnapin si Eastman for ransom but we are also not discounting the possibility also na this is an abduction case, meaning there is another reason why Eastman was abducted not necessarily for ransom. So, these are some of the motives being investigated by the task group,” aniya.
Bukod sa tatlong suspek na kasalukuyang nasa kostudiya ng PNP, may 3 iba pang suspek na at large na may kinalaman din sa pagkawala ni Eastman.
Follow SMNI News on Rumble