Nawawalang Cessna plane mula Cauayan, Isabela, ‘di pa rin tukoy ang dahilan

Nawawalang Cessna plane mula Cauayan, Isabela, ‘di pa rin tukoy ang dahilan

HINDI pa rin matukoy kung ano ang dahilan ng pagkawala ng isang six-seater Cessna plane matapos itong mag-take off sa Cauayan, Isabela noong January 24, 2023.

Ito ang kinumpirma ni Captain Rigor Pamittan, ang chief ng 5th Infantry Division- Public Affairs Office sa panayam ng SMNI News.

Ngayong araw ay magpapatuloy ang search operation na gagawin ng mga myembro ng kanilang Incident Management Team.

Ang nawawalang Cessna plane ay isang commercial flight mula Cauayan, papuntang Maconacon, Isabela.

Inaasahan itong lalapag sa Maconacon alas tres ng hapon noong January 24 subalit alas 2:19 pa ang huling komunikasyon dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter