NAWAWALAN ang gobyerno ng 88.2 billion pesos tax revenues dahil sa paglaganap ng pekeng Person with Disability (PWD) Identification Cards (ID).
Ayon ito sa ibinunyag ni Sen. Sherwin Gatchalian batay na rin sa nakalap na datos ng Senate Committee on Ways and Means.
Sa katunayan, sa ipinakita ng Department of Health, nasa 1.8 million lang ang registered PWDs sa bansa as of November 2024.
Ngunit sa impormasyon nga na nakalap, nasa 8.5 million ang fake PWD IDs sa kasalukuyan.
Maliban pa sa epekto sa tax revenues ng bansa, nagdulot rin ito ng malawakang pang-aabuso sa mga benepisyong dapat sanay exclusive lamang sa mga tunay na may kapansanan.