MAGIGING host ng 2026 NBA All-Star Game ang bagong Intuit Dome ng Los Angeles Clippers.
Inanunsiyo ito ni NBA Commissioner Adam Silver kasama ang may-ari ng Clippers na si Steve Ballmer at Los Angeles Major Karen Bass.
Ang All-Star Game ay magbabalik na muli sa Southern California at ito ang dahilan kung bakit gagamitin ang bagong dome.
Kaugnay nito, ang 2025 edition ng NBA All-Star Game ay gaganapin naman sa arena ng Golden State Warriors sa San Francisco.
Habang ang 2024 edition ay sa arena ng Indiana Pacers at magsisimula ito ngayong Pebrero 18.