NBA, ireretiro na ang jersey ng 11-time champion na si Bill Russel

NBA, ireretiro na ang jersey ng 11-time champion na si Bill Russel

PARARANGALAN ng National Basketball Association (NBA) ang NBA legend at civil rights activist na si Bill Russel ng Celtics sa pamamagitan ng pag-retiro sa No.6 jersey nito sa liga.

Ito ang kauna-unahang manlalaro mula sa Celtics na nakatanggap ng parangal.

Ayon sa National Basketball Players Association, isang patch na kikilala sa 11-time champion ang isusuot sa kanang balikat ng mga jersey ng manlalaro at shamrock-shaped logo na may number 6 sa courts ang gagamitin sa liga pati na sa Season 2022-2023.

Ayon kay NBA Commissioner, Adam Silver, karapat dapat na kilalanin ang walang kapantay na tagumpay ni Bill Russel sa parehong loob ng court pati na sa civil rights activism.

Si Russel ang isa sa mga nanguna sa pagkapanalo ng 11 NBA titles ng Boston Celtics at nagsalita rin ito para sa social justice sa kalagitnaan at pagkatapos ng kanyang karera sa basketball.

Pumanaw ang NBA legend at human rights activist noong Hulyo 31 sa edad na 88 taong gulang.

Follow SMNI NEWS in Twitter