NBA, maglalaro na sa isang LED court

NBA, maglalaro na sa isang LED court

SA isang LED court na maglalaro ang NBA sa unang pagkakataon.

Sa anunsiyo, ang buong All-Star Saturday night line-up at bahagi ng All-Star Weekend sa Indianapolis, USA sa Pebrero 16 at 17, 2024 ay gaganapin nga sa LED court.

Nilinaw ng NBA na ang All-Star Game sa Pebrero 18 ay mananatiling isasagawa sa isang wooden court.

Ang LED court ay gawa ng ASB GlassFloor, isang German company at ginamit na ito sa ilang FIBA events.

Samantala, parte ng ilalabas sa LED court ay ang real-time game stats, replays, video content at maging ang tracking animations ng isang manlalaro.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble