NBA, pinagmumulta ng $100-K ang Brooklyn Nets

NBA, pinagmumulta ng $100-K ang Brooklyn Nets

PAGMUMULTAHIN ng NBA ng $100,000 ang Brooklyn Nets matapos nitong malabag ang bagong player participation policy.

Sa laban ng Nets kontra Milwaukee Bucks noong Disyembre 27, 2023, napag-alaman ng NBA na hindi naglaro ang apat na players na sina Spencer Dinwiddie, Cam Johnson, Dorian Finney-Smith, at Nic Claxton.

Magugunitang ang layunin ng bagong player participation policy ng NBA ay matiyak na nakaglalaro ang lahat partikular na ang top players sa malalaking basketball games.

Nilinaw naman ng NBA na may exemption ang patakaran kung may balidong rason gaya ng injuries at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble