NASAWI ang longtime NBA referee na si Tony Brown sa edad na 55 dahil sa sakit na pancreatic cancer.
Na-diagnose si Brown na may Stage 4 na pancreatic cancer sa simula ng 2021, ngunit bumalik siya upang tumulong sa Replay Center ng liga noong nakaraang season.
Si Brown ang nag-officiate ng 1,110 regular season games at 35 playoff games sa 20 seasons bilang opisyal ng NBA staff.
Una niyang ginawa ang NBA Finals noong 2019-2020 Season.
Ikinalulungkot naman ito ng buong NBA family at nagbigay pakikiramay sa pamilya nito.