NBI Cybercrime Division pinakikilos para sa kasong isasampa sa vloggers na nagpapakalat ng fake news

NBI Cybercrime Division pinakikilos para sa kasong isasampa sa vloggers na nagpapakalat ng fake news

PINAKIKILOS na ang NBI Cybercrime Division para sa mga maaaring isampang kaso sa mga vlogger na umano’y nagpapakalat ng fake news laban kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. at iba pang biktima ng misinformation sa social media.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago ang Cybercrime Division, ipinag-utos na niya sa dibisyon ang pagsasagawa ng case build-up laban sa mga ito, partikular na binanggit si Maharlika. Posible aniya itong masampolan kahit nasa Amerika ito.

“Pinupukpok ko na ang aking Technical… Therefore, pwede siyang kasuhan dito sa Pilipinas,” ani Jaime Santiago, Director, NBI.

Hihingi aniya sila ng tulong sa Interpol sakaling umusad ang kaso laban kay Maharlika.

“Hihingi kami ng tulong sa INTERPOL… Dalhin niyo sa Pilipinas,” dagdag nito.

Ayon pa kay Santiago, may maaarestong mga vlogger sa Pilipinas sa mga susunod na araw, dahil matagal na aniya mino-monitor ng NBI maging ang mga trolls sa social media.

“‘Yong mga nandito sa Pilipinas… Aarestuhin na po namin sila,” aniya pa.

Samantala, nag-iingat naman ngayon ang NBI sa anumang banta ng cyberattack sa kanilang sistema at makikipagpulong sa mga kaukulang ahensiya upang maprotektahan ang kanilang operasyon.

“Nag-uupgrade kami ng capability namin… remember mga kasama,… Sa mga loko na ‘yan,” giit nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble