NBI, Globe at GCash, tinalakay ang isyu hinggil sa GCash accounts na ginagamit pang-scam

NBI, Globe at GCash, tinalakay ang isyu hinggil sa GCash accounts na ginagamit pang-scam

TINALAKAY na ng National Bureau of Investigation (NBI), Globe Telecom at GCash kung paano tugunan ang isyu hinggil sa naglipanang bentahan ng mga beripikadong GCash account na ginagamit sa scam.

Kasunod ito nang may naaresto kamakailan na apat na indibidwal na sangkot sa bentahan ng GCash accounts online.

Nagkakahalaga ng 550 pesos hanggang 900 pesos ang benta ng mga suspek sa bawat account.

Ang apat na suspek ay may hawak na daan-daang verified GCash accounts.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter