NBI, iimbestigahan ang mga ghost corp na nagbebenta ng pekeng resibo

NBI, iimbestigahan ang mga ghost corp na nagbebenta ng pekeng resibo

PAPASOK na rin ang National Bureau of Investigation-Cybercrime Division sa pag-iimbestiga sa malawakang panloloko ng mga sindikato ng pekeng kompanya na nagbebenta ng mga pekeng resibo.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na lumilitaw na malaking organisadong sindikato ang sangkot sa modus, kaya malaki rin ang nawawalang buwis sa gobyerno.

Kaugnay rito ay kinumpirma ng kalihim na may hawak na silang testigo na magdidiin sa mga taong sangkot sa umano’y mga ghost corporations.

Samantala bukod aniya sa NBI ay magiging katuwang sa imbestigasyon ang PNP-Cybercrime Laboratory.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter