NBI, iniimbestigahan ang umanoy hoarders ng pork products

KASALUKUYANG iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y mga sangkot sa kakulangan ng supply ng karneng baboy sa Metro Manila.

Ito’y matapos nagpalabas ng Department Order No. 029 noong February 08 si Justice Secretary Menardo Guevarra para habulin ang sinumang nasa likod sa nararanasang shortage.

Ang imbestigasyon na pangungunahan ni NBI Officer-in-Charge Eric B. Distor ay kailangang magpasa ng report sa loob ng isang buwan.

Matatandaang nagbigay na ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng Sub-Task Group on Economic Intelligence ang Department of Agriculture para habulin ang mga smugglers, nananamantala at hoarders ng agricultural products.

SMNI NEWS