NBI, inimbestigahan ang pagkasawi ng isang PCG personnel habang nasa training

NBI, inimbestigahan ang pagkasawi ng isang PCG personnel habang nasa training

ISINAILALIM na ng National Bureau of Investigation (NBI) Medico Legal kaninang 6:00 ng umaga sa autopsiya ang labi ni Philippine Coast Guard (PCG) personnel Mori Caguay na sinasabing nasawi habang dumadaan sa pagsasanay noong nakaraang linggo sa Cavite.

Ito ay batay sa pahayag na ibinigay ng NBI.

Ayon sa Bureau, hinahawakan na ng NBI-Death Investigation Division ang imbestigasyon.

“The incident involving the death of PCG personnel Mori B. Caguay is currently being handled by  the NBI-Death Investigation Division (DID), and we are yet to receive their initial investigation report,” ayon sa NBI.

Lumalabas na pangalawa na si Caguay sa mga PCG personnel sa mga namatay dahil umano sa pagsasanay.

Ang isa ay namatay sa pagsasanay sa Palawan noong Nobyembre 16.

Training na pinagdaanan ng namatay na PCG personnel, normal lang na pagsasanay

Ayon naman kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, ang pagsasanay ng mga personnel ay bahagi lamang ng kanilang normal na training.

“May phases kasi WaSAR, diagnostic tignan qualification kung fit ka, kung kaya mo withstand tinignan swimming skills mo at kung malakas katawan mo. Pagdating sa training may senaryo kelangan lagpasan mo ang pag-pumalag tao may tendency lalabanan ka ng nire-rescue mo, may senaryo kelangan pretend kayo nalulunod..meron din times na…,” ayon kay Rear Admiral Armand Balilo, Spokesperson, PCG.

Sa kabila rito, nirerebyu na anila ang kanilang programa para sa Water Search and Rescue (WaSAR) Training habang iniimbestigahan ang dalawang insidente.

Under investigation na rin ang mga may direktang partisipasyon sa pagsasanay ng dalawa.

“On going pa rin investigation na ginagawa ng mga tauhan ng PCG in particular coast guard internal affairs namin sa 2 incident na nangyari. Pina-relieve na rin ang taong involve at nasa holding area. Undergo ng investigation,” ani Balilo.

Follow SMNI NEWS on Twitter