NBI, pinag-iingat ang publiko sa Online Shopping ngayong Pasko; Kaso ng online fraud, tumataas ang bilang

NBI, pinag-iingat ang publiko sa Online Shopping ngayong Pasko; Kaso ng online fraud, tumataas ang bilang

TUMATAAS ang bilang ng mga kaso ng online fraud tuwing kapaskuhan.

Sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santoago Madalas na target ng mga cybercriminal ang mga taong naghahanap ng mga diskwento at promosyon online.

Kaya naman payo ng NBI – maging maingat at maiging alamin ang mga karaniwang modus operandi ng mga online scammer.

  1. Delivery scams
  2. Fake shopping websites at online sellers
  3. Fake redeem website scams
  4. Free points or gift websites
  5. Task scams
  6. crypto investment
  7. online paluwagan scams
  8. Fake relative or friend scams
  9. Love or dating scams at
  10. Loan scams

Mga Tips para maiwasan ang mga Online Scam:

  1. Huwag magbigay ng personal na impormasyon online, tulad ng mga numero ng credit card, bank account details, at personal identification.
  2. Huwag mag-over share ng impormasyon sa social media.
  3. Gumamit lamang ng kilala at pinagkakatiwalaang Wi-Fi networks.
  4. Huwag magtiwala sa mga text o tawag mula sa mga hindi kilalang numero na humihingi ng personal na impormasyon o pera.
  5. Bumili lamang sa mga verified social media accounts na may magandang feedback at reviews.
  6. Huwag mag-install ng mga suspicious applications sa iyong mobile device.
  7. Gumamit lamang ng mga reputable websites para sa online shopping.
  8. Huwag magtiwala sa mga sobrang murang presyo o mga alok na tila masyadong maganda para paniwalaan.
  9. Palitan ang iyong password nang regular at gumamit ng malakas na password
  10. Mag-ingat sa mga online sellers na agad humihingi ng pera.
  11. Tandaan: Kung masyadong maganda para paniwalaan, malamang na hindi totoo.

Sa pamamagitan ng pagiging maingat at alerto, maiiwasan natin ang mga online scam ngayong kapaskuhan. Maging responsable sa paggamit ng internet at protektahan ang ating mga personal na impormasyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter