NBP, marami pang scam ang natuklasan –Remulla

NBP, marami pang scam ang natuklasan –Remulla

KAILANGANG isara ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil lahat ng naroon ay gustong magnakaw dito.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa isang panayam, sinabi nito na maging ang kuryente sa NBP, ang National Penitentiary, ay “ninanakaw” ng mga jail guard.

Ayon kay Remulla na ang mga iligal na koneksyon sa kuryente o “jumpers” ay natuklasang tumatakbo mula sa Medium Security Prison ng New Bilibid Prison na papunta sa hindi bababa sa 200 bahay na matatagpuan sa labas ng compound ng bilangguan.

Aniya masama talaga ang culture of entitlement sa New Bilibid Prison.

Samantala, binigyang-diin ni Remulla na ito ang dahilan kung bakit niya isinusulong ang pagpapasara ng NBP.

Follow SMNI NEWS in Twitter