NCAA, sinuspinde sina Paraiso at Sangalang ng Letran kasunod ng ejections nito laban sa Mapua

NCAA, sinuspinde sina Paraiso at Sangalang ng Letran kasunod ng ejections nito laban sa Mapua

PINARUSAHAN ng NCAA ng one-game suspensions para sa Letran Stalwarts na sina Brent Paraiso at Louie Sangalang kasunod ng kanilang ejections laban sa Mapua noong Martes.

Binigyan si Paraiso ng disqualifying foul matapos nitong sikuhin ang cardinals guard na si Adrian Nocum sa kalagitnaan ng fourth quarter ng kanilang laban kung saan nagwagi ang Knights na nagtapos sa iskor na 67-62.

Ang one-game suspension ay mangyayari sa susunod nitong laban kung saan makahaharap nito ang historic rival nitong San Beda.

Ayon kay NCAA Commissioner Tonichi Pujante, parehong suspendido ang manlalaro as per FIBA at NCAA ground rules.

Para naman sa kaso ni Sangalang, nabigyan din ito ng one-game suspension dahil sa kaparehong foul.

 

Follow SMNI News on Twitter