NANATILING may mataas na kaso ng COVID-19 ang National Capital Region (NCR) at ibang tatlong rehiyon sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Doh Chief Epidmiologist Althea de Guzman, sa nakaraang dalawang linggo, walong lungsod sa NCR ang naitalang tumataas ang bilang ng mga COVID-19 cases – ito ang Valenzuela, Pasay, Malabon, Pasig, Makati, Navotas, Las Piñas and Manila.
Ang ibang rehiyon naman aniya ay may konti o halos walang pagbabago sa bilang ng impeksyon.
“After the rise in cases during the first week of January, what we see, if not a decrease in cases, is the plateauing of cases in other regions. This means that the number of cases being reported (daily) is the same,” pahayag ni De Guzman.
Saad naman ni De Guzman nanatiling nasa “safe zone” ang Health Care Utilization Rate o HCUR ng NCR.
Ibig sabihin nito kaya pa ring maasikaso ng mga ospital ang patuloy na padami ng bilang ng mga pasyente.
As of February 16, may 227, 359 COVID-19 cases na ang buong NCR, halos kalahati sa kabuuang bilang ng impeksyon na naitala buong bansa.
Maliban sa NCR, ayon sa DOH may biglang pagtaas rin ang Central Visayas Region partikular na sa Cebu, Lapu-Lapu, mga lungsod sa Mandaue at sa Bohol.
Mahigpit ring minomonitor ang Northern Mindanao – partikular na sa Bukidnon, Cagayan de Oro, Iligan City and Misamis Oriental matapos tumaas ng husto ang trend nito sa COVID-19 simula pa noong Enero.
Kabilang rin sa sinusubaybayan ng mga DOH ang Caraga Region na may 7,290 cases as of February 15.
As of February 15, 34, 769 cases na ang Visayas habang ang Northern Mindanao may naitalang ng 11, 458 cases.
Ngunit parehong nanatiling nasa safe zone ang HCUR ng dalawang rehiyon.