NCRPO Chief sa PNP: Mag-level up vs cybercrime

NCRPO Chief sa PNP: Mag-level up vs cybercrime

HINIMOK ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Edgar Alan Okubo ang mga kawani nito na mag-level up sa trabaho partikular na sa pagsugpo sa cybercrime related incidents.

Sa panayam sa kaniya sa SMNI, aminado ang heneral na marami pang dapat na pagsikapan ang mga istasyon ng pulis na mapaganda ang kanilang serbisyo sa publiko.

Kasama rito ang dagdag na mga kagamitan, sasakyan at teknolohiya.

Naniniwala si Okubo na darating ang panahon na lahat ng kahaharaping sitwasyon at problema ng PNP ay may kinalaman na sa cybercrime.

Dahil dito, umaasa ang NCRPO katuwang ang local government units nito para sa tuluy-tuloy na suporta sa kanila na makamit ang maayos at mapayapang komunidad hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter