NCRPO, inalala ang kabayanihan ng ilang PNP personnel sa ilalim ng drug war campaign ng Duterte Admin

NCRPO, inalala ang kabayanihan ng ilang PNP personnel sa ilalim ng drug war campaign ng Duterte Admin

KINILALA ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kabayanihan ng mga kapulisan na nagbuwis ng kanilang buhay sa ilalim ng anti-drugs campaign ng Duterte administration.

Bayani ang turing sa mga kabaro nitong hindi pinalad habang ginagampanan nito ang kanilang trabaho na protektahan ang mamamayan laban sa banta ng kriminalidad at iligal na droga.

Batay sa datos ng NCRPO mula 2016 umabot sa 307 ang bilang ng mga nasawing police personnel sa kalagitnaan ng pagsugpo ng pangunahing problema ng bansa, ang iligal na droga.

Ilan sa mga binigyan ng pag-alala at pagpupugay ng pambansang pulisya ang mga kawani nito na sina:

Northern Police District:

PCPL Dexter Rey Teves,

PO1 Romeo Mandapat,

PO1 Junior Garcia Hilario

Manila Police District:

PCPL Edgil Bombase,

SPO2 Randy Marlon Lebrilla,

PO1 Marmy Montemayor

Southern Police District:

PO1 Jovy Elchico,

PLT Armand Melad 

Quezon City Police District:

PCPL Lauro De Guzman

PCPL Elvin Garado

Aminado naman si NCRPO Chief PMGen. Felipe Natividad na sadyang delikado ang mga operasyon kontra iligal na droga pero bilang bahagi aniya ng kanilang mandato, nakahanda sila na maging katuwang ng pamahalaan at tuparin ang kanilang tungkulin sa ngalan ng kapayapaan sa bansa.

 “This record shows how dangerous drug operations were for us but we continue to brave the challenge in line with our mandate to serve and protect our people,” pahayag ni Natividad.

 Nauna nang kinilala ng Department of Local and Government (DILG) ang mga sakripisyo ng mga kapulisan dahil sa kabayanihan ng mga ito.

Kamakailan lang ay naging emosyonal din si PNP OIC LtGen. Vicente Danao Jr. habang inaalala nito ang mga nasawing buhay sa mga anti-illegal drugs operation na aniya’y matagal nang problema ito sa lipunan.

Sa kabuuan ani Danao, nasa 800 kapulisan ang nawala sa kanilang hanay mula sa madugong drug war campaign ng administrasyon.

Sa huli, aminado ang PNP na ang pag-aalay ng kanilang buhay ay kadugtong na rin sa kanilang trabaho at dahil dito, mananatili aniya silang tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas at tagapagtanggol ng karapatan ng nakararami.

 “We lost men; heroes we remember and commemorate as we continue to deliver the best possible service we could offer to the people of Metro Manila,” ani Natividad.

 

Follow SMNI News on Twitter