NCRPO, magpatutupad ng gun ban, magde-deploy ng nasa 22K kapulisan para sa SONA 2023

NCRPO, magpatutupad ng gun ban, magde-deploy ng nasa 22K kapulisan para sa SONA 2023

MAGPATUTUPAD ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng gun ban at magpakakalat ng nasa 22,081 na kapulisan para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Hulyo 24, 2023.

Ayon sa pahayag ni Major Gen. Edgar Alan Okubo, ang mahigit 22,000 kapulisan ay ipakakalat sa kapaligiran ng Batasang Pambansa sa Quezon City kung saan isasagawa ng Pangulo ang kaniyang SONA at magkakaroon din ng 31 border control points sa Metro Manila.

Sususpendehin din ng NCRPO ang permit sa pagdadala ng armas sa labas ng kabahayan sa Metro Manila mula 12:01 ng madaling araw ng Hulyo 24 hanggang hating gabi ng Hulyo 25.

Bukod sa mahigit 22,000 kapulisan, magkakaroon din ang NCRPO ng ‘strike force’ na karagdagang puwersa kung kinakailangan sa kalagitnaan ng SONA.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter