NCRPO, may libreng sakay sa mga maaapektuhan ng 2 araw transport strike; Mahigit 6K tauhan, ikakalat

NCRPO, may libreng sakay sa mga maaapektuhan ng 2 araw transport strike; Mahigit 6K tauhan, ikakalat

MAGBIBIGAY ng libreng sakay ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa mga commuter na maaapektuhan ng dalawang araw na transport strike ng mga grupong PISTON at Manibela.

Magsisimula ang naturang strike ngayong araw ng Lunes, Abril 15 hanggang 16.

Tinatayang nasa 205 na mga sasakyan ng PNP ang ide-deploy para sa naturang libreng sakay.

Magde-deploy rin ang NCRPO ng mahigit anim na libong pulis sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para matiyak ang kapayapaan at kaayusan.

Ayon kay NCRPO Director Major General Jose Melencio Nartarez Jr, maglalagay rin sila ng tauhan sa mga terminal commercial areas, at border control checkpoints.

Para naman sa maayos na daloy ng trapiko sa mga posibleng apektadong lugar, magtatalaga rin ang NCRPO ng foot, mobile at motorcycle patrollers, drone operators at transport escorts.

Samantala, tiniyak naman ng pitong malalaking transport group na hindi mapaparalisa ang transportasyon dahil hindi sila sumali sa naturang transport group.

Matatandaan na una na ring nagsagawa ng strike ang Manibela at PISTON pero hindi naman ito tinangkilik ng kanilang sektor kaya hindi rin naapektuhan ang transport system partikular na sa Metro Manila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble