NCRPO nagsalita na sa pamamaslang ng pulis sa kapwa pulis sa kampo sa Taguig

NCRPO nagsalita na sa pamamaslang ng pulis sa kapwa pulis sa kampo sa Taguig

NAGSALITA na ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay sa nangyaring pamamaslang sa isang pulis sa loob mismo ng kampo nito sa Taguig City.

Ayon kay NCRPO Director PBGen. Anthony A. Aberin, inatasan na nito ang kaniyang command group na pangasiwaan ang ginagawang imbestigasyon sa insidente ng pamamaslang kay Police Executive Master Sergeant Emmanuel de Asis na humantong sa pagpipira-piraso ng katawan nito.

Pinasisiguro din ng heneral na ma-convict at mawalis agad sa serbisyo ang mga suspek mula sa kasong isasampa laban dito.

Naniniwala ang NCRPO na hindi dapat palagpasin ang krimeng ginawa ng kanilang tauhan batay sa makakalap na ebidensiya na magdidiin dito.

Nauna nang sinabi ng PNP na hindi makatarungan ang pagpatay sa isang tao higit pa ang karumal-dumal na pagpira-piraso sa katawan nito.

Umaasa pati mga kaanak ng biktima na makakamit nito ang hustisya sa lalong madaling panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble