NCRPO, todo-bantay vs terrorist groups sa darating na SONA

NCRPO, todo-bantay vs terrorist groups sa darating na SONA

SA buwan ng Hulyo na gaganapin ang ikatlong State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Inaabangan ito ng buong sambayanang Pilipinas para malaman kung ano na ang naggawa ng Marcos administration sa loob ng mahigit dalawang taon nito sa panunungkulan.

Sa panayam ng media kay PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr., regional director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sinabi nito na habang maaga pa ay nagsasagawa na sila ng monitoring sa lahat ng threat groups sa bansa.

“Here in sonar, so far, ‘yung threat group is will continuously monitored as well as we will be sending out our intelligence operatives as well as our operators para i-deny kaagad para ang ating SONA ay free from threat groups,” saad ni PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr., Regional Director, NCRPO.

Aniya dalawang terror groups lang ang kanilang binabantayan dito sa bansa.

“Ang terror group dalawa, whether you are leftist or the Muslim extremists. So far, the last activity na meron tayo na malaking-malaki talaga is the crowd estimate na 6.2 million is dun sa Black Nazarene. So far, wala tayong nakitang threat dun,” dagdag ni Nartatez.

Kaugnay rito mayroon na aniya silang detalyadong plano para sa darating na SONA.

 “We have a detailed plan already for that at may timeline and it will be on July 22 such that as of now 22,000 plus more or less ang ating made-deploy lahat-lahat na ‘yan,” dagdag ni Nartatez.

Kabilang sa kanilang plano ang pagdadagdag ng puwersa ng pulis hindi lang sa SONA kundi sa buong NCRPO.

“Nabawasan kasi ito eh; from 28,000 4 years ago or 6 years ago nabawasan, naging 21,000 kami. And so, dinadagdagan ito because nandito ang iba’t ibang activities. Not on illegal drugs ang tinatrabaho natin, but a lot of activities especially the management of major events and activities. So hopefully madadagdagan,” aniya.

Sa ngayon nilinaw ni PMGen. Nartatez na wala silang nakikitang banta sa darating na SONA.

“So far, the threat level here in Metro Manila is walang threat or nandito sa pinakamababang threat. We are on threat level 1. Nasa threat level 1 tayo kasi nandito nga ‘yung 60% ng economic activities ng buong Pilipinas. Nandito,” dagdag nito.

Maliban sa mga threat group kabilang din sa babantayan ng mga pulis ang kaliwa’t kanang mga rally laban sa administrasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble