INILILIPAT na sa pamamahala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga responsibilidad na ginagampanan ng National Task Force (NTF) against COVID-19.
Inihayag ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na ang lahat ng ginagawang COVID-19 response ng pamahalaan ay nakaatang na sa ahensiya.
Kabilang na rito ang pag-deliver ng mga bakuna at pagpapalawak ng pagbabakuna.
Maging ang paghikayat at pagpawi sa vaccination hesitancy ng ilang Pilipino.
Katuwang pa rin aniya ng NDRRMC sa vaccination rollout ang iba pang mga ahensiya tulad ng Department of Health (DOH) at Philippine National Police (PNP).