NEDA, bistado sa binawing polisiya na ibaba ang taripa sa bigas

NEDA, bistado sa binawing polisiya na ibaba ang taripa sa bigas

TILA ginisa sa sariling mantika ang National Economic Development Administration (NEDA) matapos inusisa sa Senado ang rekomendasyon na ibaba ang taripa ng bigas.

Hunyo 4 nang inanunsiyo na aprubado na sa NEDA Board na ibaba sa 15% ang taripa sa pag-angkat ng bigas mula sa 35%.

Layunin nito ay maibaba ang mataas na presyo ng bigas na lagpas P50 na kada kilo.

Pero sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture sa pangunguna ni Senadora Cynthia Villar at Imee Marcos, ay isa-isang nailahad ang kapalpakan ng NEDA sa naging hakbang nito.

Inilahad ng Department of Agriculture (DA) na hindi nasunod ang kanilang rekomendasyon bago inanunsiyo ang polisiya.

Sinabi ni DA Undersecretary Asis Perez na ang kanilang naunang rekomendasyon ay ibalik sa 50 percent ang taripa.

“Our recommendation at that time before this,” ani Usec. Asis Perez, Dept. of Agriculture.

“Imee: What do you mean at that time?”

“Usec. Perez:  during the discussion of the CTRM was… It was to bring it back to 50 percent.”

“Imee: baliktad? Bring it back to 50 percent?”

Sa rebelasyon ng DA ay napatawa na lang si Usec. Perez dahil sa malayo ito sa lumabas na polisiya ng NEDA.

Ipinunto rin ni Sen. Imee Marcos na hindi nagkaroon ng konsultasyon sa mga magsasaka at iba pang stakeholders sa ipatutupad na polisiya na aabot ng limang taon.

Sa pagdinig ay binigyan ng pagkakataon ang NEDA na sagutin ang katanungan ni Sen. Imee kung kelan nangyari ang konsultasyon pero ito ang kanilang naging sagot.

“Nagkaroon po ng consultation on the Comprehensive Tariff Program. I remember the Tariff Commission conducted consultation,” ayon kay Dir. Bien Ganapin, NEDA.

“Imee: kailan Yun?”

Dahil sa hindi sa masagot ng NEDA ay itinulak na lang nito ang katanungan sa taga-Tariff Commission.

“Ganapin: I differ ko lang po sa TC kung kelan po.”

Ayon sa taga-Tariff Commission, nagsagawa sila ng konsultasyon sa agriculture sector noong Marso 20, 2023.

Pero sa kabila nito ay bigong kumpirmahin ng opisyal kung may dumalo bang mga magsasaka o kahit sinumang stakeholders na dumalo rin sa pagdinig ng Senado.

“We have invited all the stakeholders, consumer groups, government agencies, particularly the Department of Agriculture and the farmers group,” wika ni Comm. Marissa Paderon, Tariff Commission.

“Imee: Pwedeng malaman sinong stakeholders po ‘yan kasi narito silang lahat eh? wala naman dawng nakumbida eh?”

“Paderon: We can submit po the official list po of the parties notified and those who have attended the hearing, medyo madami po kasi. but they ah. Ah”

Sa huli ay pinalilinaw ng mga senador kung ano na nga ba ang totoong status sa polisiya na ibaba ang taripa sa pag-angkat ng bigas.

Nakalilito anila kasi matapos una nang inanunsiyo ng NEDA na ito ay isa nang ganap na polisiya ngunit biglang binawi sa media at sinabing rekomendasyon lamang ngunit may executive order na.

“With regards po dun sa disisyon ng NEDA Board. The meeting was held on June 03 and the recommendation of the CTRM as a member, as a committee ng NEDA Board, the decision of the NEDA Board was to approve the CTP. The EO… wala pa pong EO maam. Hindi pa po siya nalalabas at hindi pa siya nasisign,” ayon kay Dir. Bien Ganapin, NEDA.

Sa gitna ng napipintong paglabas ng EO para sa nasabing polisiya ay inilahad naman ni Sen. Cynthia Villar na nagkausap na sila dito ng ehekutibo.

Ayon sa senadora na sakaling ‘di maabot ng taripa ang target na pondo na ilalaan para sa Rice competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay pupunan na lamang ito ng Department of Finance (DOF).

Ang RCEF ay ang assistance program ng gobyerno para sa mga lokal na magsasaka.

“Nag-agree kami ng Department of Finance na kung anuman ang ibaba ng (taripa) we will set a target for the Rice Competitive Enhancement Fund at saka financial assistance sa rice farmers. Pag ‘di nila natarget ‘yun ipapasagot nila sa GAA so we will have the same funds pa rin. ‘Yung hindi namin makukuha sa Tariff ipapasagot ng DOF sa General Appropriations ACT o GAA,” saad ni Sen. Cynthia Villar, Chair. Committee on Agriculture.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble