IKINOKONSIDERA ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mga pananaw at rekomendasyon ng government planning officers para sa ginagawang development plan ng Pilipinas.
Nitong buwan ng Setyembre, nag-organisa ang NEDA ng Philippine Development Plan (PDP) 2023 to 2028 Forum Series.
Sa isang press conference, sinabi ni NEDA Undersecretary for Regional Development Carlos Abad Santos na kamakailan lang ay ginanap ang pakipag diyalogo sa youth at private sector.
At sa huling bahagi ng PDP forum nitong Biyernes, nakatuon naman ito para sa government planners.
Ibinahagi ng government planning officers mula sa iba’t ibang parte ng bansa ang kanilang mga pananaw at rekomendasyon patungkol sa susunod na development plan.
Kaugnay rito, sinabi ni Abad Santos na kasama sa nais ng mga LGU na matugunan ng gobyerno ang ilang suliranin gaya ng inflation, tight fiscal space, COVID-19 pandemic at iba pa.