INAPRUBAHAN na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapalawig ng mababang tariff rates sa baboy, mais, at palay hanggang Disyembre 31, 2024.
Sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan, makatutulong ang binawasang tariff rates sa mga nabanggit na produkto upang magkaroon ng sapat na suplay rito at mananatiling abot-kaya ang presyo.
Kasabay rito ay ipinanukala rin ni Balisacan ang isang Executive Order (EO) na siyang magiging susi para manatili ang mababang taripa hanggang sa huling bahagi ng susunod na taon.
Sa ilalim ng ipinanukala nitong EO No. 10, ang taripa ng pork products ay nasa 15-25 porsiyento; sa mais ay nasa 5-15 porsiyento; at palay na nasa 35 porsiyento.
Nakatakda pang lagdaan ng Malakanyang ang nabanggit na EO.