NEDA, nagpalabas na ng 5-year development plan para sa 2023-2028

NEDA, nagpalabas na ng 5-year development plan para sa 2023-2028

INILABAS na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang development plan ng bansa para sa taong 2023 hanggang 2028.

Target nito ang pagpapalago ng ekonomiya, at pagpapababa ng unemployment at poverty rate ng bansa.

Sa inilabas na development plan, target ang pagpapataas ng gross domestic product ng bansa.

Mula sa madalas na 6 hanggang 7% ay target na magiging 6 hanggang 8% ito mula 2024 hanggang 2028.

Sa gross national income per capita naman ay target ng bansa na magkaroon ng $6,044 hanggang $6,571 sa 2028 mula sa baseline na $3,640 noong 2021.

Follow SMNI NEWS in Twitter