Negatibong perception sa Mindanao tuluyan nang nagbago—DOT

Negatibong perception sa Mindanao tuluyan nang nagbago—DOT

MATAGAL  nang may negatibong pananaw ang nakararami sa Mindanao. Pero ayon sa Department of Tourism (DOT), nagbago na ang imahe ng rehiyon ang Mindanao ngayon ay pambato nila sa turismo.

Patuloy ang pagdami ng mga turistang gustong mabisita, makilala, at maranasan mismo ang yaman ng Mindanao.

Pangalawa ang Mindanao sa pinakamalaking isla sa Pilipinas, na mayaman sa likas na yaman, kultura, at tradisyon. Kilala ito sa mga magagandang tanawin at natatanging mga tourist spot.

Pero sa loob ng mahabang panahon, nabalot ito ng negatibong imahe dahil sa mga balitang naglalarawan dito bilang isang mapanganib na lugar.

Sa nakaraang administrasyon, naging puspusan ang kampanya kontra terorismo at armadong grupo, dahilan para mas lumakas ang turismo sa Mindanao.

Sa isang televised briefing, binigyang-diin ni DOT Undersecretary Myra Paz Abubakar na tuluyan nang nagbago ang negatibong perception sa Mindanao—at patunay nito ang pagdagsa ng interes ng mga turista.

“Especially in Mindanao, as we all know, sometimes—matagal-tagal na rin po—meron pong stigma at misconception of tourists going to Mindanao. Pero that has changed a lot through the years… At nagbago na po iyon, at madami nang tao ang nagpapahayag ng interes na pumunta sa Mindanao,” paliwanag ni Usec. Myra Paz Abubakar, DOT.

Isa sa pangunahing tinututukan ngayon ng DOT ay ang halal tourism, bilang tugon sa tumataas na bilang ng mga turistang mula sa Muslim countries.

Ayon kay Usec. Abubakar, aktibo ang ahensiya sa pakikipagtulungan sa mga hotel, mall operators, at iba pang tourism establishments upang maging Muslim-friendly ang kanilang mga pasilidad at serbisyo.

Layunin ng DOT na siguruhing may halal-certified products at services sa buong bansa.

“When we talk about tourism, we need to be inclusive—especially for our Muslim brothers and sisters. Aside from that, we will provide prayer rooms natin” ayon pa kay Abubakar.

Sa tala ng DOT noong 2024, mahigit 630,000 Muslim visitors ang bumisita sa Pilipinas—isang 23% pagtaas mula sa 2023, kung saan nasa 500,000 lamang ang dumating.

Ibig sabihin, mas kinikilala na ngayon ang Pilipinas bilang isang Muslim-friendly destination na may halal-certified products and services.

Sa kasalukuyan, Malaysia pa rin ang may pinakamalaking bilang ng mga turistang bumibisita sa bansa.

“And then when it comes to their visit to the Philippines, wala silang pinipiling oras. Gaya din po ng mga Pilipino—kapag naisipang magbakasyon, pupunta sa bansa natin. That being said, we should be able to provide for them anytime of the year that they come to the Philippines,” aniya pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble