Negosyante, arestado sa buy-bust sa Laguna

Negosyante, arestado sa buy-bust sa Laguna

NALAMBAT ang isang negosyante na Street Level Individual (SLI) sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, officer-in-charge ng Laguna Police Provincial Office ang suspek na si Rainier Alvarez.

Nahuli si Alvarez matapos magbenta ng hinihinalang iligal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa suspek ang 39.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit 268,000 piso.

Nasa kustodiya na ng Sta. Cruz Municipal Police Station ang suspek habang ang mga ebidensya ay isusumite sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Mahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS in Twitter