Negosyanteng Asyano, pinatay ng 2 menor de edad sa Los Angeles dahil sa wig

Negosyanteng Asyano, pinatay ng 2 menor de edad sa Los Angeles dahil sa wig

SINAKSAK ng dalawang 17 anyos na teenagers ang isang Koreanong may-ari ng isang wigshop sa labas lamang ng negosyo nito sa Los Angeles sa pagtatangkang nakawin ang wig o peluka sa loob ng kanyang tindahan.

Ang unang suspek ay isang lalaki na nasa 17 taong na Latino habang ang pangalawang suspek ay isang babaeng Caucasian na 17 taong gulang din.

Ipinahayag ng Los Angeles Police Department (LAPD) na nangyari ang insidente ng pananaksak habang sinusubukan ng dalawang suspek na looban ang biktima, ala-una ng hapon.

Ayon sa ulat, nanlaban sinubukang kunin ni Lee ang ninanakaw na peluka at gumanti ang lalaki at tuluyan siyang sinaksak.

Ayon sa LAPD, sinaksak si Lee ng maraming beses bago tumakas ang 2 menor de edad.

Si Lee ay idineklarang patay sa pinangyarihan.

Sa nakalipas na ilang taon, naging target ang mga negosyong Asyano ng mga magnanakaw at masasamang loob sa maraming parte ng Amerika.

Ang kamatayan ni Lee ay ang pinakabagong krimen at karahasan na nangyayari sa Los Angeles at sa iba pang mga siyudad na bumibiktima ng mga Asyanong negosyante.

Nagpahayag din ang mga may-ari ng mga tindahan ng kanilang mga alalahanin tungkol sa tumataas na bilang ng krimen na nangyayari sa kanilang lugar at umaasa na masisiguro ang kaligtasan ng kanilang komunidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter