NANANATILING last Filipina standing sa International Boxing Association (IBA) Women’s World Boxing Tournament si Filipino Amateur Boxer Nesthy Petecio.
Ipinamalas ng 30-anyos na Davaoeña ang kaniyang angking lakas na nagpawagi sa kaniya ng silver medal sa 2020 Tokyo Olympics para patumbahin si sixth seed guy Tianna ng Carribean, sa iskor na 6-0, sa 54-57 kg featherweight class.
Nagdomina si Petecio sa scorecards ng Moroccan, Estonian, Serbian at Indonesian judges sa pamamagitan ng 30-27 score habang 30-26 score naman mula sa Venezuelan judge.
Si Riza Pasuit ang unang natanggal sa maliit na contingent ng Pilipinas matapos sumuko sa kaniyang opening match sa 60-63kg light welterweight class noong Biyernes.