TULUYAN na ngang dumausdos ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo ayon sa Social Weather Station (SWS).
Dagdag pa ng survey ng SWS sa 4th quarter ng taong 2021, aabot sa 23 puntos ang ibinaba ng rating ni Robredo.
Magugunitang, nakakuha ito ng good rating na +24 noong Setyembre 2021, na naging “neutral” +1 ang rating nito.
Ito ay nangangahulugan na 41 percent satisfied minus 40 percent dissatisfied sa kanyang performance.
Bukod pa rito, nakakuha ito ng negative 16 na poor satisfaction rating sa Metro Manila, +27 moderate sa Visayas, at negative 27 naman sa Mindanao.
Samantala, sa unang inilabas na survey nakakuha naman si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng +60 very good satisfaction rating.