INAASAHANG magiging neutral na ang kondisyon ng klima ng bansa sa kalagitnaan ng 2025.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), batay sa kanilang Climate Monitoring and Prediction Section, malapit nang matapos ang La Niña. May 60% posibilidad na mananatili ang neutral na kondisyon sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo, at Agosto.
Sa Pilipinas, ang La Niña ay karaniwang nagdadala ng higit sa karaniwang dami ng ulan, na nagpapataas ng panganib ng pagbaha, mas malalakas na bagyo, pinsala sa agrikultura, at mga sakit na dulot ng tubig.
Habang humihina ang La Niña, maaaring bumalik sa mas tipikal na pattern ng panahon ang bansa, ngunit maaaring manatili pa rin ang ilang epekto nito.
Follow SMNI News on Rumble