New Year’s message ni Pastor Apollo sa mga komunista: Sumuko na kayo!

New Year’s message ni Pastor Apollo sa mga komunista: Sumuko na kayo!

HANGAD pa rin ni Pastor Apollo Quiboloy, Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, sa mga komunista teroristang grupo ang unti unting pagsuko ng mga ito sa lipunan.

Ito ay para na rin sa kapakanan ng mga rebelde lalo na ngayong pagsisimula ng bagong taon.

“Happy New Year sa lahat! Happy New Year sa CPP-NPA-NDF! Magbagong buhay na kayo! Sumuko na kayong lahat sa ating pamahalaan,” ang panawagan ni Pastor Apollo para sa mga natitira pang komunista sa bansa.

Ayon sa kanyang New Year’s message sa CPP-NPA-NDF, walang dapat na ipangamba ang mga ito sa pagbabalik sa lipunan dahil sa pagiging propesyunal ng pamahalaan para sa kanilang pagbabagong buhay

“Mabait ang ating pamahalaan, propesyunal ang ating Armed Forces of the Philippines. Kahit pa itong ating mga senador at kongresista, tinapyasan ang NTF-ELCAC, hindi pa rin kami hihinto kung ano ang natitirang mga pagpapala ng gobyerno yun ang gagamitin ng NTF-ELCAC na kahit wala na ang Pangulo, bababa siya ngayong June, magpapatuloy pa rin kami, dodoblehin namin ang aming mga gagawin,” ayon kay Pastor Apollo.

Sa kabilang banda, muling nilinaw ng butihing Pastor na hindi na takot ang mga Pilipino ngayon sa banta ng CPP-NPA-NDF dahil sa nakikitang pagsasama-sama ng suporta ng taumbayan at mismong pamahalaan para labanan ang problema ng insurhensiya sa bansa

“Ang masasabi ko lang. Huwag na ninyo kaming takutin. Dapat kayo ang matakot ngayon kasi kayo ang hahabulin ng taumbayan. Ang taumbayan hindi na rin takot sa inyo, yung patago ninyong mga pagbaril, yung Sparrow unit ninyo, yung mga ganyan, hindi na!” dagdag ng butihing Pastor.

Giit pa ni Pastor Apollo, mula nang manungkulan sa pwesto si Pangulong Duterte at sa kampanyan nito kontra terorismo, nakita nito ang tuluy-tuloy na paghina at pagbagsak ng mga komunistang teroristang grupo na CPP-NPA-NDF sa bansa.

“Hindi na kami takot sa inyo! Tapos na yang pananakot ninyo. Tapos na kayo, pabagsak na kayo. Wala na kayong magagawa sa bansa natin,” ani Pastor Apollo.

Matatandaang nitong nakaraang taon, naging sunud-sunod ang military operations ng AFP at Philippine National Police sa iba’t ibang bahagi ng bansa laban sa mga komunistang teroristang grupo na ikinasawi ng malalaking personalidad ng rebeldeng grupo sa bansa.

Narekober din ang iba’t ibang matataas na kalibre ng mga armas, mga pampasabog, election paraphernalias, at pera.

Bukod dito, naitala rin ang mataas na bilang ng mga nagsipagsuko sa pamahalaan dahil sa kawalan na ng tiwala sa kinaaanibang grupo at kadalasa’y mga kwento ng paghihirap at kawalan ng pag-asa ang hinaing ng mga ito habang nasa pangangalaga ng CPP-NPA-NDF.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.