New York City, isa sa may pinakamalalang air pollution—IQair

New York City, isa sa may pinakamalalang air pollution—IQair

ISA ang New York City ng Estados Unidos sa mga nangungunang lungsod sa buong mundo na may worst air pollution.

Sa katunayan, sa ulat ng IQair nitong Martes, Hunyo 6, 2023, mahigit 200 ang air quality index ng lungsod at itinuturing itong “very unhealthy” o lubos na nakasasama sa kalusugan.

Ito na ang dahilan kung bakit napunta sa top 1 ang lungsod.

Nag-ugat ito sa nangyayaring wildfires sa Quebec, Canada na umaabot sa New York.

Kaugnay nito, kinansela ng 10 school districts sa New York ang kanilang outdoor activities.

Partikular namang naapektuhan nito ay mga kabataan, senior citizens, mga buntis at ang mayroong respiratory at cardiovascular diseases.

Samantala, kasama ng New York City ay ang New Delhi sa India; Doha sa Qatar; Baghdad sa Iraq; at Lahore sa Pakistan.

Follow SMNI NEWS in Twitter