NAPATUNAYANG bigong mapigilan, mahinto o aminin ng state agencies maging ang mga simbahan sa New Zealand ang malawakang pang-aabuso sa mga kabataan at “vulnerable” na mga indibidwal sa loob ng limang dekada.
Batay ito sa resulta ng independent inquiry ng Royal Commission na ginawa kaugnay sa isyu.
Nangyari pa ang mga pang-aabuso sa isang state-run hospital sa bansa.
Sa kabuuan, 650-K na mga kabataan at mga matatanda ang biktima mula 1950 hanggang 1999.
Kaugnay rito, ayon kay New Zealand Prime Minister Christopher Luxon, pormal na hihingi ng tawad ang pamahalaan dito lalong-lalo na sa mga survivor ngayong Nobyembre 12.