New Zealand, nag-donate ng P17M para sa PH Red Cross

New Zealand, nag-donate ng P17M para sa PH Red Cross

NAMIGAY ng P17M ang New Zealand Government sa Philippine Red Cross.

Gagamitin ito ayon sa Red Cross bilang assistance sa mga biktima ng sunod-sunod na bagyo sa bansa.

Matatandaang lubos na naapektuhan sa mga nagdaang bagyo ang Bicol at ang Central Luzon.

Ang pamamahagi naman ng pondo ng New Zealand sa Red Cross ay bahagi ng kanilang kolaborasyon sa pagitan ng International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble