Newest single ni Maki malapit nang mailabas

Newest single ni Maki malapit nang mailabas

SET to release na ang newest single ng Dilaw hitmaker na si Maki. May 20 nang inanunsiyo ng Tarsier Records na mag re-release muli ang singer ng single na pinamagatang “Kahel na Langit.”

Bagama’t wala pang official date sa release, excited na ang fans ng singer dahil umani ng maraming reaksiyon ang announcement nito sa social media.

Recently ay naging theme song ng pelikulang ‘My Love Will Make You Disappear’ ang kaniyang hit song na ‘Dilaw.’

Nanguna ang kanta sa Hot 100 ng Billboard Philippines sa loob ng tatlong linggo noong Hulyo 2024.

Ang ‘Dilaw’ ay ang una ring kanta na nag-top sa relaunch ng chart. Si Maki rin ang unang artist na nakakuha ng ganitong tagumpay sa lahat ng Original Pinoy Music (OPM) at kinilala sa nasabing chart.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble