KASABAY ng ika-100 araw ng bagong termino, pinasinayaan ng Pasig City government ang 3 newly renovated health centers.
Ayon kay Mayor Vico Sotto binuksan na sa mga residente ang bagong 3rd floor ng San Miguel Health Center, Palatiw Bilog Health Center at Palatiw Main Health Center.
Dagdag pa ni Sotto na nag-stabilize na rin ang supplies sa naturang health centers.
Ibinida rin n Sotto na hindi nagpapahuli ang Pasig City sa Universal Health Care kung saan madami na aniya ang kanilang nagawa.
Ito ay mula sa pagpapatupad ng ”No Balance Billing” sa ospital hanggang sa pagpapalakas ng Primary Health Care sa mga center.