NAKABALIK na sa loob ng field mula sa injury ang team captain na si Neymar mula sa injury upang tulungan ang Brazil sa 4-1 victory nito laban sa South Korea upang umabot sa quarter-finals ng World Cup.
Matatandaan na hindi nakapaglaro ang world’s most expensive player sa nakaraang 2 laban nito dahil sa natamo nitong sprained ankle sa kanilang opening game victory laban sa Serbia.
Ani Neymar, pangarap nilang mapanalunan ang korona at sa huli nilang 3 larong natitira ay nakahanda silang harapin ang mga ito.
Hindi pa ulit nagagawang maka-iskor ng 5-time world champions ng 4 na goals sa isang knockout game sa isang tournament simula noong 1998.