PUMALO na sa 3.290 milyong sako ng palay ang nabili ng National Food Authority (NFA) sa mga magsasaka.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, nasa 99% ng 3.3 milyong bags na target ng ahensiya ang nabili simula Enero hanggang Hunyo ng taon.
Ang mga nabiling palay ay ipo-proseso bilang bigas para sa bufferstock na gagamitin sa panahon ng kalamidad.