NFL superstar na si Tom Brady, tuluyan nang magreretiro

NFL superstar na si Tom Brady, tuluyan nang magreretiro

INANUNSYO ni record-breaking NFL quarterback na si Tom Brady na tuluyan na itong magreretiro sa edad na 45-taong gulang isang taon matapos nitong bawiin ang kanyang desisyon na iwanan ang sport.

Inihayag mismo ni Brady ang kanyang desisyon sa sa isang social media video na tuluyan niya nang iiwanan ang kanyang sport matapos ang 23 taong career.

Matatandaan na inanunsyo rin ni Brady ang pagreretiro nito noong February 1, 2022 ngunit matapos ang 40 araw ay binawi ang kanyang desisyon at sinabing muli itong babalik para sa 2022 season ng Bucs.

Si Brady ay kinikilala bilang “Greatest Quarterback of All Time” at nanalo ito ng 7 Super Bowls na 6 sa New England Patriots at isa sa Tampa Bay Buccaneers sa dulo ng 2020 Season.

Nagawang manalo ni Brady ng 251 regular season games at 35 playoff games na higit na mas marami kumpara sa kahit na sinong manlalaro sa kasaysayan ng liga.

 

Follow SMNI News on Twitter